Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng surprise visit sa lahat ng Department of Health-Bureau of Quarantine (DOH-BOQ) at Department of Tourism (DOT)-accredited quarantine hotels sa bansa dahil sa mga ulat na ang ilanghotel ay nag-aalok ng “absentee-quarantine” arrangements sa mga returning overseas Filipinos.
Sinabi ni DILG Secretary Eduardo M. Año kay PNP Chief PGen Dionardo Carlos na magtalaga ng police units sa iba’t ibang quarantine hotels upang magsagawa ng surprise inspections upang malaman kung lahat ng indibidwal na sumasailalim sa quarantine ay talagang nananatili sa mga hotel.
“The DILG through the PNP will help the DOH-BOQ and the DOT in monitoring all individuals subject to quarantine. All those found absent from the facilities will be charged together with the hotel or facility management and staff in cahoots with these individuals,” ayon sa kanya.
Kukunin ng PNP ang mga pangalan ng lahat ng sasailalim sa quarantine mula sa DOH-BOQ at pisikal na susuriin ang kanilang presensya sa mga hotel.
Inatasan din ng DILG Chief ang PNP na tulungan ang local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR) sa pagpapatupad ng 30% indoor capacity at 50% outdoor capacity sa ilalim ng Alert Level 3.
“I have also directed the NCRPO (National Capital Region Police Office) to do random inspections of all business establishments to make sure that the operational limitations are followed, and only the vaccinated can access restaurants, leisure establishments, malls, public transportation, and similar establishments,” ayon kay Año.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo
Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.