DOTr exec: Binawi ng China ang pondo para sa 3 proyekto ng tren

0
221

Itinuturing na ngayong “withdrawn” ang mga loan agreements para sa tatlong railway projects matapos mabigong kumilos ang gobyerno ng China sa mga kahilingan sa pagpopondo ng Duterte administration, ayon sa isang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) kanina.

Kabilang sa mga rail project na walang pondo ang Php 142B na Calamba to Bicol, Php51M na Clark to Subic at Php 83M na Tagum-Davao-Digos.

Sinabi ni DOTr Undersecretary for Railways Cesar Chavez na nagsimula ang negosasyon para sa tatlong proyekto noong 2018 at inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) para makatanggap ng opisyal na development assistance (ODA) loan mula sa China.

Batay sa “applicable executive agreements” sa pagitan ng Pilipinas at China, sinabi niya na ang DOTr ay nauna nang bumili at nagbigay ng mga kontrata para sa engineering, procurement, construction, at commissioning ng Subic-Clark Railway Project; ang design-build ng Philippine National Railways (PNR) South Long-Haul Project; at para sa project management consultant ng Mindanao Railway Project (MRP).

Mula 2021 hanggang 2022, sinabi niya na ipinaalam ng Department of Finance (DOF) sa China Eximbank na ang mga isinumite na loan application ay magiging balido lamang hanggang Mayo 31, 2022, at awtomatikong babawiin kung hindi maaprubahan.

Sa pag-withdraw ng mga aplikasyon sa pautang, sinabi niya na ang kasalukuyang pamunuan ng DOTr ay “kaagad” na sumulat at nakipag-ugnayan sa DOF upang simulan ang “mga talakayan sa patakaran” sa hinaharap ng tatlong rail project na suportado ng China.

Noong Enero, ang kontrata para sa PHP142-bilyong PNR South Long-Haul Project na tinatawag ding PNR Bicol Express ay iginawad sa joint venture ng China Railway Group Ltd., China Railway No. 3 Engineering Group Co. Ltd. , at China Railway Engineering Consulting Group Co. Ltd.

Sa kabilang banda, nabigo ang PHP83 bilyon Tagum-Davao-Digos segment ng MRP matapos hindi makapagsumite ang China ng shortlist ng mga contractor para sa design-build contract nito.

Ang kontrata para sa pagtatayo ng PHP51 bilyong Subic-Clark Railway Project ay iginawad sa China Harbour Engineering Co. noong Disyembre 2020.

(PNA)

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo