DOTr: Tuloy na ang PUV Modernization Program sa Disyembre 31

0
352

MAYNILA. Tuloy na ang paagsisimula ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization program ng gobyerno hanggang Disyembre 31, 2023, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Wala nang anuman ang makakapigil sa deadline para sa pagbuo ng mga kooperatiba o korporasyon para sa mga jeepney drivers bilang bahagi ng nasabing programa, ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista.

Ipinagtanggol ni Bautista ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) mula sa mga kontrobersiyang kinasangkutan nito. Mariing pinabulaanan niya ang mga akusasyon laban sa LTFRB na nagsasabing mayroong bentahan ng ruta ng mga jeepney. Ayon sa kanya, ang mga local government units (LGUs) ay kasama sa plano para sa mga ruta, at hindi mabibili ang mga ito.

Sa isang panayam sa telebisyon, iginiit ni Bautista na ang mga ruta ay hindi ibinebenta at ang prangkisa ay libre. Dagdag pa niya na hindi inaalis ang mga tradisyunal na public utility jeepneys (PUJs), ngunit kinakailangan na ang mga ito ay sumusunod sa euro engine standard at mga Philippine Standards ng Trade Industry.

Hindi maikakaila na may mga kontrobersiya na kinasangkutan si Guadiz, ang Chairman ng LTFRB, patungkol sa kanyang dating executive assistant na si Jeff Tumbado. Isinampa ni Tumbado ang alegasyon ng bribery sa LTFRB, na nagresulta sa pansamantalang pag-suspend ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Guadiz mula sa kanyang puwesto Subalit malaunan, binawi ni Tumbado ang alegasyon, na nagresulta sa pagbabalik ni Guadiz sa kanyang puwesto.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.