DPWH: Bataan-Cavite bridge construction sisimulan sa huling bahagi ng 2023

0
556

Sisimulan ang konstruksyon ng PHP 175.7-billion Bataan-Cavite Interlink Bridge Project sa huling bahagi ng taon, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kanina.

Sa isang press briefing ng Palasyo, sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na ang 32-kilometrong proyekto, na inaasahang sisimulan ang konstruksyon sa unang quarter ng 2024, ay gagawin ng mas maaga kaysa sa inaasahan.

“Detailed engineering [design] is now ongoing—it’s about 70 percent complete and we told the President it will be ready within the year to ground break the implementation of this very significant bridge,” ang sani niya sa reporters sa pakikipag pulong kay President Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañan Palace.

Aniya, layunin ng DPWH na matapos ang proyekto bago matapos ang termino ng Pangulo.

Sinabi ni Bonoan na ang proyekto ay inaasahang magpapaunlad ng ekonomiya hindi lamang sa Luzon kundi sa buong bansa.

“No less than the Asian Development Bank (ADB) has indicated that the economic rate of return of this bridge is more than 25 percent and that’s big,” ayon sa kanya.

Ang Bataan-Cavite Interlink Bridge Project ay isang cable-stayed bridge na itatayo sa Manila Bay upang bawasan ang oras ng byahe sa pagitan ng mga lalawigan ng Bataan at Cavite mula limang oras hanggang 20 hanggang 30 minuto.

Ang starting point nito ay sa Brgy. Alas-asin sa bayan ng Mariveles, Bataan, tatawid sa Manila Bay, at magtatapos sa bayan ng Naic, Cavite.

Ito ay itatatag gamit ang pagpopondo mula sa ADB.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.