DPWH flood control anomaly, mga sangkot tukoy na

0
898

MAYNILA. Natukoy na ng pamahalaan ang ilang indibidwal at korporasyon na sangkot umano sa katiwalian kaugnay ng mga palpak na flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH), at malapit na silang ma-blacklist sa mga proyekto ng gobyerno.

Sa pinakabagong podcast episode ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi nitong hawak na niya ang mga pangalan ng mga contractor at kumpanyang responsable sa substandard projects na nagdulot ng matinding pagbaha sa ilang bahagi ng bansa.

Bagama’t hindi tinukoy ng Pangulo ang mga pangalan, iginiit niyang malapit nang sampahan ng kaso ang mga indibidwal at kumpanyang mapapatunayang nagpabaya o nangurakot sa pondo ng proyekto.

Dagdag pa ni Marcos, ang mga korporasyon na malinaw na pumalpak sa kanilang trabaho ay ilalagay sa blacklist upang hindi na sila makakuha ng kontrata mula sa gobyerno.

Kasabay nito, binalaan din ng Pangulo na kakasuhan ang mga kumpanyang at opisyal na mabibigong magpaliwanag kung saan napunta ang pondong inilaan para sa mga proyekto.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.