Dr. Lee Ho: Mag-mask up sa gitna ng pagtaas mga kaso ng coronavirus sa China

0
297

Nanawagan ang city health officer ng San Pablo City na ibalik ang Covid-appropriate behaviour, kabilang ang pagsusuot ng mga mask sa mga pampublikong lugar, habang nasa “heightened alert” ang bansa dahil sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa China.

Hiniling ni City Health Officer James Lee Ho sa mga mamamayan na magpabakuna at kumuha ng mga booster dose upang magkaroon ng proteksyon sa mga mapanganib na variant ng Omicron.

Ang Pilipinas ay nag-relax sa mga panuntunan sa pagsusuot ng mask sa unang bahagi ng taong ito pagkatapos ng pagbaba sa mga rate ng impeksyon.

Ngunit ang pagtaas ng mga kaso sa kalapit bansang China ay naglagay sa bansa sa alerto.

Hinihikayat din ni Lee Ho ang mga tao na sundin ang social distancing at iba pang mga patakaran bilang pagsunod sa memorandum g Department of Health (DOH) noong Disyembre 31, na ang lahat ng DOH-Centers for Health Development (DOH-CHD)ay maghanda at magdagdag ng resources kung sakaling magkaroon ng posibleng pagdami ng mga pasyenteng may respiratory symptoms.

Samantala, pinapataas ng lungosd ng San Pablo ang pagsubaybay sa mga kaso. Kasalukuyang sinusuri ni Lee Ho ang kanilang kahandaan na harapin ang mga impeksyon kung kinakailangan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.