Dr. Lee Ho: Manood ng virtual orientation on pediatric vaxx for kids aged 5-11 sa Enero 31

0
213

Ready na ba kayo pabakunahan ang inyong mga little ones aged 5-11 years old laban sa COVID-19?

San Pablo City, Laguna. Nag aanyaya si San Pablo City Health Officer James Lee Ho sa mga magulang at guardians ng mga batang edad 5 hanggang 11 na manood ng Bakuna Real Talks: Resbakuna Kids Orientation on Pediatric Vaccination for Children aged 5-11.

Host ng nabanggit na virtual orientation si Bakunanay Ara Casa-Tumuran. Special guest si Bakunanay Maite Cruz kasama sina Dr. Beverly Ho mula sa DOH at Dr. Mary Ann Bunyi mula sa Philippine Infectious Disease Society of the Philippines upang magbahagi ng mahahalagang impormasyon ukol sa vaccination ng mga batang edad 5 to 11.

Mapapanuod ang LIVE na ito sa Enero 31, Lunes ganap na 5:00 ng hapon sa mga sumusunod social media page:

  • theAsianparent Philippines Facebook page
  • DOH Facebook page
  • Healthy Pilipinas Facebook page
  • TAP PH KUMU

“Dahil inirerekomenda na ang COVID-19 vaccine para sa lahat ng may edad 5 hanggang 11, milyon-milyong bata at kabataan ang magiging ligtas na sa sakit at pagpapa ospital. Sabay sabay po natin alamin ang lahat tungkol sa pediatric vaccination sa pagbabalik ng inyong paboritong Bakuna Real Talks: Resbakuna Kids Orientation on Pediatric Vaccination for Children Aged 5-11, ayon kay Dr. James Lee Ho.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.