LUCENA CITY, Quezon. Lalo pang lumalakas ang kontrobersya sa paligid ni Pura Luka Vega, isang kilalang drag artist, matapos itong ideklarang “persona non grata” sa Lucena City dahil sa kanyang polemikong pagganap ng “Ama Namin.”
Inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ng Lucena kahapon ang isang resolusyon na nagtatakda kay Amadeus Fernando Pagente, o mas tanyag sa pangalang Pura Luka Vega, na ituring na “persona non grata” sa lungsod.
Ayon kay Konsehal Benito ‘Baste’ Brizuela, Jr., ang nagmungkahi ng resolusyon, ang ginawang pagganap ni Pura Luka Vega ay “disrespectful, blasphemous, and shouldn’t be done by anyone regardless of what religion they might be talking about.”
Nauna dito, naideklara na rin bilang “persona non grata” si Pura Luka Vega sa mga lalawigan ng Laguna, Bukidnon, General Santos City, Floridablanca sa Pampanga, Toboso sa Negros Occidental, at sa Maynila.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.