SAN PEDRO CITY, Laguna. Nasunog ang isang bodega dahil sa naiwang bukas na stove. Namatay sa sunog ang 26-anyos na driver-caretaker na si John Eric Jholanco sa insidente.
Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog bandang 11:50 ng gabi at natapos ng alas-4:30 ng madaling-araw.
Bago naganap ang insidente, nag-inuman sina Jholanco at ang kanyang kapatid pasado hatinggabi. Matapos ang inuman, iniwan na lamang ng kapatid ang lasing na si Jholanco, ngunit dahil sa gutom, nagluto ito at naiwang bukas ang stove.
Makalipas ang isang minuto, mabilis na kumalat ang apoy sa paligid ng bodega, at isang pagsabog ang narinig ng mga kapitbahay. Sinabi ni Erazo na ang unang dahilan ng sunog ay ang sobrang init ng Gasul stove na nakalagay sa bahagi ng harapan ng bodega.
Wala nang iba pang naiulat na nasugatan, at ang kabuuang pinsala sa ari-arian ay tinatayang nasa P7 milyon.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.