Drug den sa Quezon ni-raid, 4 timbog

0
201

Lucena City, Quezon. Nilansag ng mga awtoridad ang isang drug den at naaresto ang apat na suspek na kabilang sa Suspected List Individual (SLI) kasabay ng pagkumpiska ng illegal drugs na nagkakahalaga ng mahigit sa PhP 1 milyon, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Ibabang Dupay sa lungsod na ito sa lalawigan ng Quezon.

Kinilala ni PLt. Col. Erickson Roranes, chief of police ng Lucena City Police Station ang mga nadakip na sina Ronald Allan Regaza alias “Onad”, 55 anyos; Juliever Garcia, 38 anyos; Joel Ayangco, 40 anyos at Ronel Merilo, 23 anyos; pawang mga residente ng nabanggit na barangay.

Ayon kay Roranes, nakatanggap sila ng impormasyon na sa kabila ng araw-araw nilang ope­rasyon laban sa iligal na droga ay patuloy ang suspek na si alias Onad sa pago-operate ng drug den.

Sa isinagawang raid ng City Drug Enforcement Unit (CDEU), PDEPA-Quezon at PNP-Maritime ang buy-bust operation,huli sa akto ang tatlong iba pang nabanggit sa loob mismo ng drug den.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ng mga suspek ang hinihinalang shabu na tumitimbang ng 15 gramo at nagkakahalaga ng P103,500.

Nakakulong ngayon ang mga naaresto at nakatakdang humarap sa kasong pag­labag sa RA 9165.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.