Drug ex-convict, arestado sa buy-bust ops ng Lucena CPS

0
252

Lucena City, Quezon. Arestado ang isang babaeng hinihinalang pusher na nakulong na sa kaso hinggil sa iligal na droga sa ikinasang buy-bust operations ng Lucena City Police Station (PS) sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLTCOL Reynaldo P. Reyes kanina sa Purok 7, Barangay Dalahican,lungsod na ito.

Si Renalyn Rodellas Escudero alyas Pokerat ay kasama sa listahan Street Level Individual na minamataan ng mga pulis. Nakumpiska sa kanya ang halagang Php 50K ng hinihinalang shabu. 

Kasalukuyang nasa custodial facility ng Lucena City MPS ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Sec 5 & 11, Art II ng RA 9165 (Possession & Selling of Dangerous Drugs laban sa kanya.

Ang suspek ay nakulong na at nakalaya ngunit bumalik sa dating masamang gawi, ayon kay Lucena City PS Team Leader PLT Jerome R. Ubaldo ll.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.