Sta. Cruz, Laguna. Inaresto sa bayang ito ang isang negosyante at nakumpiska sa kanya ang halagang Php 54,000 ng hinihinalang shabu.
Kinilala ang suspek na si Edgardo Alcantara Ortiz alyas Aji, 45 anyos na negosyante at residente ng Brgy. Bubukal ng nabanggit na bayan.
Si Alcantara ay nahulog sa mga kamay ng mga elemento ng Sta. Cruz Municipal Station sa pamumuno ni PLtCol Paterno L. Domondon kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Laguna sa ilalim ng Oplan Pabili Nga Po na isinagawa kahapon sa Brgy. Bagumbayan sa nabanggit ding bayan.
Batay sa paunang pagsisiyasat, ang suspek ang may ari ng solid waste facility na kumukolekta ng mga basura sa ilang lugar sa Sta. Cruz, Laguna.
Si Alcantara ay kasalukuyang nakapiit sa Sta. Cruz MPS samantalang dinala na sa crime laboratory ang ebidensya ng nakuha sa kanya upang sumailalim sa forensic examinations, batay sa report ni Laguna Police Acting Provincial Director, Police Colonel Rogarth Bulalacao Campo reported to CALABARZON Regional Director, Police Brigadier General Antonio Candido Yarra.
Roy Tomandao
Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.