Drug trafficker huli sa P3.4 milyong halaga ng shabu

0
273

BACOOR CITY, Cavite. Nasakote ng mga awtoridad ang isang notorious na drug trafficker sa isang buy-bust operation sa lungsod na ito sa Cavite, kama­kalawa.

Kinilala ni Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, direktor ng Police Regional Office Calabarzon ang suspek na si alias na “King” at patuloy pang tinutugis ang mga kasabwat nito.

Ayon sa ulat, isinagawa ng mga tauhan ng Drug Enforcement ang operasyon sa Barangay Talaba 1, Bacoor City laban sa suspek kung saan nakumpiska nila ang humigit kumulang na 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000, kasama na rin ang isang mobile phone at marked bust money.

Pahayag ni Gen. Lucas, kilala na ang suspek bilang High-Value target individual hindi lamang sa Bacoor City, kundi sa buong Calabarzon.

Nakaharap sa kasong illegal possession of illegal drugs ayon sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek at isinampa na ang mga kaukulang kaso sa Provincial Prosecutor’s Office.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.