DSWD magbubukas ng satellite offices sa mga mall sa buong bansa

0
182

Maglalagay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga satellite office sa 21 na SM sa bansa, partikular sa Government Service Express Centers.

Layunin nito na palawakin ang kanilang serbisyo, ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, kasabay ng pagpirma niya ng memorandum of agreement (MOA) kasama si Steven Tan, ang pangulo ng SM Supermalls.

Bukod sa mga satellite office, bahagi rin ng kasunduan na gamitin ng DSWD nang libre ang event spaces at espasyo ng SM.

Ayon sa kagawaran, sakop ng kasunduan ang pagbibigay ng lugar para sa operasyon, pre-positioning efforts sa disaster response, at pagsasaayos ng mga clearance at issuance.

Pumayag din ang SM na gamitin ng DSWD ang kanilang mga channel para sa pagpapalaganap ng impormasyon.

Ang kasunduang ito ay mananatiling epektibo hanggang Hulyo 2026.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.