DSWD nagbabala sa publiko vs. fake FB page na nag aalok ng ‘ayuda’ online

0
513

Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kahapon sa publiko laban sa pagsunod sa isang impostor na DSWD Facebook page, na umano’y nag-aalok ng tulong pinansyal sa mga netizens.

Nakatanggap ang kagawaran ng ulat mula sa isang concerned citizen na ang isang pekeng FB page, na kumakalat online, ay nag-post ng status na humihiling sa publiko na magparehistro sa pamamagitan ng isang link upang makatanggap ng Php 10,000 na tulong pinansyal.

Binigyang-diin ng DSWD na wala itong mga programa o tulong pinansyal na ipinapatupad online o sa pamamagitan ng social media platforms.

Samantala, pinaalalahanan ng ng DSWDna sumangguni lamang sa opisyal na Facebook Page ng DSWD, https://www.facebook.com/ dswdserves o @dswdserves, na mayroong mahigit 1.1 milyong followers, para sa mga anunsyo at update tungkol sa iba’t ibang serbisyo at programa nito.

Kasalukuyang nagsasagawa ng angkop na aksyon at pagsisiyasat ang nabanggit na departamento tungkol sa usapin.

Para sa mga katulad na concern, pinapayuhan ang publiko na isumbong ito sa DSWD Agency Operations Center sa 8888 hotline.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo