DSWD: P15K ayuda sa mga rice retailers, posibleng taasan

0
151

Maaring taasan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang cash aid na nagkakahalaga ng P15,000 na ipinagkakaloob sa mga retailer ng bigas na apektado sa price cap sa bansa.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, nagkaroon sila ng pag-uusap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ukol dito kaya’t itinuon ang pansin sa DSWD at Department of Trade and Industry (DTI) upang mag-calibrate pa ng tulong pinansyal. Ito ay upang matiyak na handa silang mag-adjust sakaling kulangin ang P15,000 cash aid na inilaan para sa mga retailers.

Binigyang diin ni Gatchalian na ang kanilang tanggapan kasama ang DTI ay kasalukuyang naglalabas ng cash aid, na unang naipamahagi noong Sabado sa mga lugar ng Quezon City, Caloocan, at San Juan.

Dagdag pa ni Gatchalian, mahalaga na pangalagaan ang kapakanan ng mga micro, small, at medium enterprises, at sila ay tutulungan na makabangon mula sa epekto ng price cap sa bigas.

Bawat maliliit na retailer ng bigas ay makakatanggap ng P15,000 na tulong pinansyal mula sa DSWD sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng ahensya. Bago ito ibinigay, ang mga benepisyaryo ay sumailalim sa pagsusuri ng DTI upang matiyak ang kanilang kwalipikasyon.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.