DTI: Asahan ang taas-presyo ng mga Noche Buena meat products

0
308

Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga mamimili na tataas ang presyo ng mga produktong karne para sa Noche Buena, dahil sa 15%-20% na itinaas na production cost ng mga kompanyang nagproseso ng karne.

Ito ay matapos ang pagpupulong ng DTI kasama ang mga kompanya ng meat processors bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa nalalapit na holiday season.

Ayon sa DTI, “kaunti lamang” ang itinaas sa presyo ng mga produktong karne tulad ng iba’t-ibang klase ng hamon. Ipinunto nila na ito ay umaabot lamang sa 4%, at layunin ng mga meat processors na mapanatili ang saya ng mga Pilipino sa Pasko sa pamamagitan ng paghahanda ng mga paborito nilang produktong gaya ng hamon.

“Hindi lahat ng uri ng hamon ay tumaas sa presyo batay sa aming monitoring. Hindi lahat. Iyan ang aming obserbasyon; kinolekta namin ang mga standard retail prices ng mga kumpanya, at hindi lahat ay nagtaas,” paliwanag ni Assistant Secretary Mary Jean Pacheco ng DTI sa isang public briefing.

Payo ni Pacheco sa mga mamimili na alamin muna ang kanilang Noche Buena guide upang maikumpara ng mga presyo ng iba’t-ibang produkto bago sila pumunta sa grocery o supermarket.

Inaasahan naman ng DTI na susunod silang magkakaroon ng papulong sa iba pang mga kumpanyang gumagawa ng mga produktong pang-Noche Buena.

Author profile
Paraluman P. Funtanilla
Contributing Editor

Paraluman P. Funtanilla is Tutubi News Magazine's Marketing Specialist and is a Contributing Editor.  She finished her degree in Communication Arts in De La Salle Lipa. She has worked as a Digital Marketer for start-up businesses and small business spaces for the past two years. She has earned certificates from Coursera on Brand Management: Aligning Business Brand and Behavior and Viral Marketing and How to Craft Contagious Content. She also worked with Asia Express Romania TV Show.