DTI at DAR, magtutulungan upang pasiglahin ang paglago ng agro-industriya sa mga kanayunan sa MIMAROPA

0
726

Magtutulungan ang  Department of Trade and Industry (DTI) at ang Department of Agrarian Reform (DAR) upang magbigay ng malawakang tulong sa pagpapaunlad ng merkado at produkto sa mga agrarian reform communities (ARCs)  (ARCs) at  agrarian reform beneficiaries organizations (ARBO) sa MIMAROPA.

Nakipagpulong si DTI MIMAROPA Regional Director at DTI-Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) Program Manager Joel B. Valera sa bagong hinirang na DAR Chief na si Bernie Cruz upang pag-usapan ang mga plano para sa mga grupong agraryo sa bansa. Isa sa mga highlight ng pulong ay ang paigtingin ang roll-out ng Common Service Facilities (CSF), ang probisyon ng farm production, at post-harvest machinery at equipment sa mga agrarian beneficiaries. Ang CSF ay naglalayong i-level up ang produksyon at pataasin ang produktibidad para sa pag-unlad ng ekonomiya sa mga rural na lugar. Bukod dito, ang pinaigting na pakikipagtulungan sa pagitan ng DTI-CARP at DAR ay magbibigay din ng tulong sa marketing na tutulong sa mga benepisyaryo na sumunod sa mga regulasyon ayon sa batas, pagbuo ng produkto, promosyon sa merkado sa pamamagitan ng mga trade fair, market linkages, at capacity development.

“Kailangan tulungan ang mga agrarian reform communities and beneficiaries’ organizations, at small landowners para magkaroon sila ng continuous livelihood opportunities. The development of the country’s agricultural sector plays a big role sa poverty reduction and inclusive growth.” ayon kay Valera sa isang panayam noong Nobyembre 25, 2021.

Iisa ang pananaw ng DTI-CARP at DAR sa pagpapaunlad ng entrepreneurship sa buong bansa na magmumula sa kanayunan at mga magsasaka-benepisyaryo at may-ari ng lupa sa ilalim ng dalawang ahensya.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.