DTI Laguna  livelihood program confab, sinimulan

0
406

Calamba City, Laguna. Nagsagawa ng isang buwang validation at panayam ang Department of Trade and Industry Laguna Provincial Office sa humigit-kumulang 1,500 potensyal na benepisyaryo ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) program sa lahat ng lungsod at munisipalidad sa Laguna nitong Pebrero.

Ang PPG ay livelihood entrepreneurship program ng DTI, na naglalayong magbigay ng suporta sa mga prayoridad na sektor at indibidwal sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagsasanay at livelihood starter kits. Tinukoy ng DTI, sa tulong ng 30 Laguna local government units (LGUs) ang mga potensyal na tatanggap ng programa na kabilang sa alinman sa mga sumusunod: 1) mga biktima ng insidente ng sunog;2) mga indibidwal na apektado ng natural na kalamidad ;3) wounded-in-action or killed-in-action (WIA/KIA) uniformed personnel; 4) human-induced hazard victims; at 5) mga micro-enterprise sa mga depressed na lugar at/o apektado ng pandemya.

Ang proseso ng pagpapatunay ay naglalayong pagbukud-bukurin ang mga profile at tukuyin ang mga pangangailangan ng mga mapipili at kasalukuyang micro-entrepreneur, alinsunod sa kanilang iminungkahi o kasalukuyang mga negosyo. Karamihan sa mga kahilingan ay tungkol sa mga edible items para sa food retailers at mga kagamitan ng sa manufacturing at mga kasangkapan sa services. 

Ang pagsasanay sa entrepreneurial para sa mga piling benepisyaryo ng PPG ay naka-iskedyul sa sa ikalawang quarter ng susunod na taon.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.