DTI Laguna nagbigay libreng entrepreneurial seminar sa MSMES ng Kalayaan, Laguna

0
170

Kalayaan, Laguna. Nagbigay ng seminar tungkol sa Setting-up a Business at Digitalization sa pamamagitan ng Google My Business sa ilalim ng SME Roving Academy ( SMERA) Programa ang Department of Trade and Industry – Laguna Provincial Office (DTI Laguna).

Katuwang dito ang Local Government Unit ng Kalayaan sa pamamagitan ng Negosyo Center. Idinaos ng dalawang magkasunod na araw ang seminar mula Pebrero 22 hanggang 23, 2023, at nilahukan ng limampung existing at potential micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

Ang Negosyo Center Kalayaan ay inilunsad noong Disyembre 12, 2022 at ang 2 araw na seminar na ito ang una sa maraming SMERA na isinagawa para sa Kalayaan MSMEs.

Pinangasiwaan ng Negosyo Center Business Counselors na sina Andrea Mae Macuha at Joemarie Valizado, na parehong nagsisilbing resource speakers sa ginanap na pagsasanay.

Kabilang sa mga nanguna sa programa ng seminar sina Valizado, Sectoral Officer Angelito Presoris, Kalayaan Municipal Administrator Kris Anne Laganapan-Pesigan.

Ang mga resource speaker ay tumutok sa paksa tungkol sa digitalization samantalang si Counselor na si Valizado nagsimula ng talakayan tungkol sa marketing. Itinuro din niya pag gamit ng Google My Business at ang paglikha ng Google account at Facebook Page at kung paano mao-optimize ng Business Page.

Inialok din ang iba pang serbisyo ng DTI Laguna, kabilang ang Negosyo Center bilang satellite office nito na nagbibigay ng tulong sa loan facilitation, paggawa ng Business Plan, Business Name Registration at Barangay Micro Business Enterprise (BMBE). Ibinigay ni Local Economic Development and Investment Promotions Officer Marty Sasondoncillo ang pangwakas na pananalita.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.