DTI-Laguna, Vista Mall Santa Rosa nagbukas ng OTOPasko Atin ‘To! Grand Provincial Trade Fair

0
579

Sta. Rosa City, Laguna. Nakipagtulungan ang Department of Trade and Industry-Laguna sa Vista Mall Santa Rosa at nagpasimula ng OTOPasko: Atin ‘To! Grand Provincial Trade Fair na bukas publiko mula Disyembre 16 hanggang Disyembre 19, 2021.

Tinipon ng grand trade fair ang pinakamahusay at mga kampeon na mga produkto ng Laguna mula sa mga produktong pagkain, wearables, handicrafts at mga wellness products. May kabuuang tatlumpu’t dalawang MSMEs na natulungan sa ilalim ng OTOP Next ang magpapakita ng mga produkto at mga prototype na binuo sa ilalim ng ng Gen Program sa ilalim ng nabanggit na programa mula Batch 2017 hanggang 2021.

Ang nasabing kaganapan ay dinaluhan ng mga natatanging panauhin na sina Senator Cynthia Villar, Santa Rosa Mayor Arlene Arcillas, na ikinakatawan ni City Administrator Atty. Leonardo Ragaza, Laguna Tourism, Culture, Arts, and Trade Office OIC Ms. GinaAustria, DTI-ROG Asec.  Dominic Tolentino, DTI-EMB Dir. Christopher Arnuco, DTI-4A RD Marilou Q. Toledo, DTI-Laguna PD Clarke Nebrao, DTI Office of the Secretary consultant, G. Jorge Wieneke at Ms. Jenny Wieneke, G. Danzel Fernandez. Ipinakita rin ng mga provincial directors mula sa ibang probinsya ng CALABARZON ang kanilang suporta. Dagdag pa rito, nasaksihan ng mga kaugnay na stakeholder ang pagbubukas ng nasabing trade fair kasama ang mga negosyante na naging bahagi ng 2021 Batch para sa OTOP Next Gen Program.

 “I believe that entrepreneurship is the key to economic freedom,” ayon sa mensahe ni Senator Villar.

Ang OTOPasko: Atin ‘To Grand Provincial Trade Fair ay bahagi ng promosyon sa kalakalan at mga aktibidad sa marketing ng DTI Laguna sa pakikipagtulungan sa City Government of Santa Rosa at sa Vista Mall Santa Rosa.

Layunin ng  OTOP Next Gen Program na ilantad ang mga MSME sa lokal na pamilihan at palawakin ang kanilang mga negosyo upang makamit ang mas progresibong ekonomiya ng Pilipinas.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.