DTI nagdeklara ng price freeze sa Region 4B dahil sa tagtuyot

0
376

Sa gitna ng nararanasang tagtuyot, magpapatupad ang Department of Trade and Industry (DTI) ng price freeze sa Region 4B o MIMAROPA (Oriental at Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan) upang maprotektahan ang mamamayan sa mataas na presyo ng pangunahing bilihin.

Ayon sa DTI, isa sa mga lugar na naapektuhan ng direktibang ito ay ang Bulalacao at Mansalay sa Oriental Mindoro.

Ipinaliwanag ng DTI na nagdeklara ng state of calamity ang dalawang bayan matapos masalanta ng tagtuyot ang kanilang mga taniman, na dulot ng El Niño phenomenon.

Mahigpit na ipinatutupad ng ahensya na hindi maaaring magtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa loob ng dalawang buwan sa mga nabanggit na lugar.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.