Dumating ang huling delivery ng 16.5M doses AstraZeneca na binili ng pribadong sektor sa ilalim ng proyektong ‘A Dose of Hope’

0
315

Dumating sa Pilipinas noong Biyernes, Enero 21, ang huling batch ng 16.5 milyong AstraZeneca vaccine doses na binili ng mga local government units at pribadong sektor sa pamamagitan ng ‘A Dose of Hope’ Project na binubuo ng 1,877,600 shots.

Pinasalamatan ni Assistant Secretary Wilben Mayor, National Task Force against COVID-19 head of strategic communications on current operations, ang pribadong sektor at LGUs sa lubos na pagsuporta sa national vaccination program.

Ayon kay Mayor, sinimulan ng pambansang pamahalaan noong Huwebes ang pagpapatupad ng ‘Resbakuna sa Botika,’ kung saan ang mga parmasya at klinika ay tinapik upang tumulong sa pagbibigay ng COVID-19 booster shots sa mga kwalipikadong adult.

Aniya, nasa 422 indibidwal na ang nakatanggap ng booster shots sa apat na botika sa Metro Manila.

“Bago po tayo magpabakuna ng booster shots sa botika, ay kailangan po coordinated sa local government units natin dahil sila ang nagbibigay ng schedule para sa bakunahan sa mga botika,” ayon kay Mayor.

Hinikayat ng opisyal ng NTF ang mga hindi pa nabakunahan na kunin ang kanilang mga pangunahing dosis pati na rin ang mga booster shot sa lalong madaling panahon upang maprotektahan ang kanilang sarili laban sa highly-transmissible na variant ng Omicron.

“Nasisiguro po natin na ‘pag meron po tayong bakuna, ay protektado po tayo sa laban sa COVID lalong lalo na sa Omicron,” dagdag pa ni Mayor.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.