Dumating ang WHO Medical cargo sa airport ng Warsaw para sa Ukraine

0
164

Dumating sa Warsaw ang isang shipment ng WHO ng mga life-saving medical supplies para ihatid sa Ukraine. 36 tonelada ng mga supply ang dumating mula sa warehouse ng WHO sa Dubai at marami pang paparating habang patuloy na tumataas ang pangangailangan sa buong Ukraine.

Kasama sa kargamento na ito ang mga trauma supplies upang matugunan ang mga pangangailangan ng 1,000 pasyente na nangangailangan ng operasyon, at iba pang mga suplay na medikal upang matugunan ang mga pangangailangan ng populasyon na 150,000 katao.

Ang mga health facilities at mga health workers  sa Ukraine ay lubhang nangangailangan ng mga suplay upang patuloy na magamot ang mga sugatan pati na rin ang mga taong may sakit mula sa ibang mga kondisyon. Mahigpit na nananawagan ang WHO para sa ligtas na daanan papuntang Ukraine.

Panayam: Flavio Salio, WHO Emergency Medical Teams Network Leader

“I’m here in Poland where 36 metric tonnes of medical supplies have just landed, destined for Ukraine. We have surgical supplies to treat the wounded, as well as medicine for all other diseases that do not stop for war.”

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.