Dumating sa PH ang mahigit 1M dosis ng Pfizer kagabi: Lampas na sa 150M ang bilang ng bakunang pumasok sa bansa

0
195

Nakatanggap ang bansa ng kabuuang 150,151,870 COVID-19 vaccine doses kagabi kasunod ng delivery noong Miyerkules ng gabi, Disyembre 8, na 1,082,250 government-procured Pfizer-BioNTech jabs na nakuha sa pamamagitan ng Asian Development Bank (ADB).

Tinanggap ito National Task Force Against COVID-19 medical consultant na si Dr. Ma. Paz Corrales at ayon sa kanya sa isang panayam ay mas mahaba na ng tatlong buwan ang shelf life ng Pfizer COVID-19 vaccines.

“As you heard in the news last night, the shelf-life of Pfizer has been extended to three more months. As to the other vaccines we’re still waiting for their applications,” ayon kay Corrales.

Sa kasalukuyan, may kabuuang 25.8 milyong dosis mula sa 40 milyong binili ng pamahalaan na bakunang Pfizer ang naipadala na sa Pilipinas.

Nanawagan din si Corrales sa lahat ng Pilipino na suportahan ang ikalawang round ng National Vaccination Days na gaganapin mula Disyembre 15 hanggang 17.

Sinabi niya na 7 milyong Pilipino ang target na ma- inoculate sa tatlong araw na massive vaccination event.

“Buong Pilipinas po ito, wala pong pinipili. Ito ay whole-of-government approach na lahat po ng ahensya ng gobyerno ay inatasan ng ating Pangulong [Rodrigo] Duterte na magtulungan upang ma-reach natin ang 7 million na target,” ayon pa rin kay Corrales. 

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.