Nanatili ang mandato ng mask kahit na patuloy na bumaba ang mga kaso ng coronavirus, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III kahapon.
Sa isang televised public briefing, binanggit ni Duque bilang halimbawa ang mga bansa sa Europe gaya ng Austria, Denmark, France at Germany na nakakaranas na ngayon ng spike sa mga impeksyon sa coronavirus matapos alisin ang kanilang mask mandates.
“Matuto tayo sa iba’t ibang karanasan ng mga bansa sa Europa na kung saan tinanggal nila ang mask mandates, naglipana na naman ang mga kaso,” ayon kay Duque.
Tiniyak ni Duque sa publiko na pinag-aaralan ng mga eksperto sa bansa ang posibleng pagtatanggal ng mandato ng face mask at pagbaba sa lower alert status ng Covid-19 risk classification.
“Eh, gusto ba natin matulad sa kanila? Ayaw natin, so, dahan dahan tayo let us be prudent and let us be guided by data and science through our expert panel,” ayon sa kanya.
Noong Miyerkules, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang karagdagang pagpapagaan sa mga paghihigpit sa paggalaw ay tatalakayin kapag ang buong bansa ay nasa ilalim na ng Alert Level 1.
“Sa ngayon masyadong premature, masyado pang maaga, so, Alert Level 1 muna tayo, malamang hanggang sa katapusan ng termino ng ating Pangulong Duterte,” dagdag pa ni Duque.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.