Durian fruit: Potent ang amoy ngunit napaka sustansya

0
1153

Minsan may nga bagay tayong inaayawan pero sa kalaunan ay pwede palang natin magustuhan. Ang bunga ng Durian ay isa mga prutas na sa una ay inaayawan.  May kasabihan nga na Durian “tastes like heaven but smells like hell”. 

Marami akong nakakausap na hindi daw nila gusto ang amoy. Ngunit marami ding akong naririnig na talaga namang sila daw ay nasasarapan at naikukumpara pa nga nila ang lasa sa ice cream. 

Pag ganitong panahon ng June at July ay dagsa ang Durian sa mga fruit stand lalo na sa Davao kung saan ito ang sentro ng kalakalan at taniman ng Durian. Ang Davao ang tinaguriang Durian capital ng Pilipinas. Sa Davao ay parang ordinaryong tanawin na lang ang mga truck na puno  ng Durian fruit. Hindi kumpleto ang pagpunta mo sa Davao kung hindi mo ito matitikman. Kaya naman noon magpunta si Myrna sa Davao ay hindi niya talaga pinalampas ang pagkakataon na matikman ang Durian.

Technically, may termino na para sa paglalakbay upang kumain ng durian. Ito ay tinatawag na agritourism, at ito ay isang lumalagong kalakaran sa lahat ng mga bansa, hindi lamang Thailand o Malaysia kundi pati na rin sa Mindanao.

Ang prutas na ito ay sikat na sikat  dahil ito ay may kakaibang sarap. Sabi ni Myrna ay iba ang lasa ng Durian fruit sa  Davao kumpara sa tanim sa Laguna. Maaring dahil sa klase ng variety o sa uri ng lupa o kaya ay depende sa panlasa ng bawat tao. 

Kilala ang durian sa buong Timog Silangang Asya bilang king of fruits. You either love durian, or you hate it. Ngunit maraming benepisyo ito sa kalusugan. Naglalaman ito ng maraming fibers, bitamina C at bitamina B complex. Ang mga kakaibang prutas ay mayaman sa thiamine. Ang enzyme ay direktang nakakaapekto sa aktibidad ng mga proseso ng pagtunaw, gana sa pagkain at pagpapakawala ng hydrochloric acid sa katawan. 

Maraming produkto ang pwedeng gawin sa Durian fruit gaya ng Ice cream, kendi, chips, jam, at frozen durian. Kaya isa ito sa namumungang punong kahoy tunay na maipagmamalaki ng ating bansa.

Namumunga ang Durian 5-7 taon pagkatapos ng pagtatanim. Nagsisimula ang regular na produksyon mula 7-10 taon at pataas. Hindi katagalan ang limang taon kaya maganda ring magtanim tayo ng ilang puno nito sa ating mga bukid.

Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.