Duterte: Mindanao ihiwalay na sa Pilipinas

0
702

Inihirit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isang pahayag ang paghiwalay ng Mindanao mula sa Pilipinas. Sa pulong balitaan sa Davao, ipinalabas ni Duterte na ang plano ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagkalap ng mga pirma mula sa mga taga-Mindanao.

Kasabay ng pahayag na ito, dumistansya ang ilang senador mula sa plano ni Duterte na isulong ang paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas. Sa isang ambush interview, tumanggi sina Senate President Juan Miguel Zubiri at Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel na magbigay ng kahit anong komento sa nais na hakbang ni Duterte.

Bagaman kapwa taga-Mindanao, nilinaw ni Zubiri na hindi nararapat ang pag-uusap tungkol sa isyu ng paghihiwalay, ito’y maaring maging sanhi lamang ng pagkakagulo at pagkawatak-watak. Nagbigay rin siya ng apela na maghinay-hinay muna sa usaping ito at bigyan-pansin ang kapakanan ng bayan.

Ayon kay Zubiri, ang ganitong uri ng laban ay hindi nakakatulong sa bansa at sa mga susunod na henerasyon. Dagdag pa niya, mahalaga ang pagpapakita ng pagkakaisa at pagmumulaan ng matinong usapan para sa ikabubuti ng lahat.

Nagbigay rin ng pahayag si Pimentel na kailangang masusing pag-aralan ang layunin ni Duterte, ngunit iginiit niyang tutol siya sa anumang mungkahi para sa secession o paghihiwalay ng anumang bahagi ng teritoryo ng bansa.

Sa kanyang panig, binigyang-diin ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na hindi papayag ang Konstitusyon sa hangarin ni Duterte na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo