Dwarf coconut varieties, madaling abutin at mas matibay sa sakit

0
1970

Likas sa tao ang matuwa o maging curious sa mga bagay na kakaiba. Masasabi kong isa na ako sa madaling maintriga sa sa mga unique na hitsura. 

Ang pagkahilig ko sa mga unique ang naging daan kaya siguro lagi kaming napi-feature sa TV, magazines at nai-interview sa radio tungkol sa mga kakaiba naming alaga at pananim. Noong 2004 pa ay nagsimula akong  mangolekta at mag alaga ng mga hayop na may mga kakaibang katangian gaya ng pandak na baboy, manok at kabayo. Hindi lang hayop  kundi meron din kaming mga pandak na halaman kagaya ng dwarf na Coconut. Mayroon kaming  200 na puno nito na pwede ng itanim. 

Maaring may iba pang hindi nakakakita ng dwarf Coconut.  Sanay kasi tayo sa matatayog na coconut tree na may taas na 15-30 meters.  Samantala ang dwarf Coconut ay may taas lamang na 15-20 feet at ang buhay ay tumatagal ng 40-50 years. 

Isa sa mga katangian nito ay mababa pa ang puno ay hitik na hitik sa bunga kaya naman kinagigiliwan ng lahat dahil abot-kamay ang bunga kahit ng isang bata.

Madalas itong irekomenda ni Myrna sa kanyang mga farm design. Maganda kasing pang-welcome ito sa mga darating na bisita. 

Sa pagtatanim ng maramihang dwarf Coconut, mahalagang pagaralan muna ang tamang land preparation. Mas mainam na buhaghag ang lupa upang mabilis lumaki. Mainam kung aararuhin muna ang lupa. Mahalaga ang tamang layo ng bawat puno ay 6 na metro.

Ang dwarf coconut at hiyang sa mga lugar na tuyo at hindi natitiningan ng tubig. Ang mga unanong niyog na ito ay mas mabilis mamunga kaysa sa matataas na niyog. Sa loob lamang ng apat hanggang limang taon ay namumunga na ang mga ito sa tamang pag aalaga.

Ang bunga nito ay kagaya din ng karaniwang niyog. Pwedeng inumin ang sabaw ng buko nito at ang mature coconut ay maaaring i-proseso uang gawing virgin coconut, coco sugar, coco wine at maraming iba pa.

Ang kagandahan ay hindi na kailangan ang kawit o sungkit ng niyog at hindi na kailangang umupa sa magkakawit para mag ani ng niyog. 

Subukan natin magtanim ng dwarf coconut. Kapag namunga ito ay aabutin lamang ng kamay at may coconut juice na.

Word of the week:

“At nagsaysay siya sa kanila ng isang talinghaga, na sinasabi, Ang lupa ng isang taong mayaman ay namumunga ng sagana.” – Lukas 12:16

Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.