‘E-Saliksik’ ng DepEd, inilunsad

0
221

Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang kanilang opisyal na portal ng pananaliksik, ang E-Saliksik, noong Lunes upang isulong ang access sa de-kalidad na pananaliksik sa bansa.

Sa isang Facebook live video, sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na ang research platform ay mag-aambag sa kalidad ng data at tutulong sa pagtugon sa kakulangan ng mahahalagang resources na kailangan para sa policy formulation.

“We cannot be formulating major decisions which affect not only our learners, but also the entire country, in terms of politics, in terms of economics, in terms of societal development, just on the basis of guesswork, feelings, or intuition,” ayon kay Briones.

Ipinunto niya na hindi lamang mahalagang magsaliksik kundi maisalin din ito sa mga aralin at gawaing pangkomunidad.

“An open access to DepEd’s growing research collection through this platform that we are now setting up is of great help and we’ll do much to lower barriers to research availability in exchange and make way for innovations that would ultimately improve the lives of our learners,” dagdag pa niya.

Hinihikayat ng E-Saliksik ang paggamit ng pananaliksik na batay sa impormasyon mula sa pananaliksik sa paaralan hanggang sa pambansang antas.

Alinsunod sa DepEd Memorandum No. 11, Series of 2022, ang E-Saliksik ay nasa ilalim ng Planning Service-Policy Research and Development Division sa pakikipagtulungan ng Department of Information and Communications Technology.

Ito ang magiging sentral na database para sa pananaliksik at magbibigay ng impormasyong nakabatay sa ebidensya.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.