Easterlies magdadala ng ulan at kulog sa ilang bahagi ng bansa

0
1239

DOSTPAGASA —Magdudulot ng maulap na panahon at mga pag-ulan ang umiiral na easterlies sa silangang bahagi ng bansa ngayong Linggo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa ulat ng ahensya, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang mga lalawigan ng Aurora at Quezon dahil sa epekto ng easterlies. Pinag-iingat ang publiko sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa bunsod ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan.

Samantala, bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin naman na may mga pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa Metro Manila, Visayas, nalalabing bahagi ng Luzon, Caraga, at Davao Region. Posible rin ang pagbaha o landslide sa panahon ng malalakas na thunderstorm.

Ang natitirang bahagi ng Mindanao ay makakaranas din ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorm. Babala rin ng PAGASA, ang malalakas na bagyong may kasamang kulog ay maaaring magdulot ng biglaang pagbaha o pagguho ng lupa.

Mananatiling banayad hanggang katamtaman ang pag-alon sa mga baybaying dagat sa buong bansa.

Ayon pa sa PAGASA, sumikat ang araw kaninang 5:47 ng umaga at lulubog ito mamayang 5:38 ng hapon.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo