Economic cha-cha inaprubahan ng Kamara

0
189

Inaprubahan ng komite ng buong kamara nitong Miyerkules, Marso 6, ang Resolutions of Both Houses No. 7 (RBH 7), na naglalayong baguhin ang 1987 Konstitusyon upang payagan ang mas mataas foreign ownership sa iba’t ibang mahahalagang industriya.

Ito ay ipinasa sa pamamagitan ng voice vote ng House plenary, sa mosyon na ipinasa ni House Deputy Majority Leader Neptali “Boyet” Gonzales II.

Ang mga pagbabago sa Charter sa ilalim ng RBH 7 ay magpapaluwag sa limitasyon ng 40% na pag-aari ng dayuhan sa sektor ng edukasyon, public utilities, at advertising sa pamamagitan ng pagdagdag ng probisyon na “unless provided for by law.”

Isa sa mga mambabatas na bumoto ng “no” ay si Kabataan party-list lawmaker Raoul Manuel, na nagpahayag na ang dayuhang kapital ay hindi isang mahiwagang pangontra sa matagal nang problema ng lipunan na unequal opportunities.

“The approval of economic Cha-cha is based on this belief, or dogma, that competition [from foreign companies] will improve our economy. This dogma rejects that fact that there is an uneven playing field worldwide and here in our country,”sabi ni Manuel.

“The free market is not as free as we want it to be. The government should protect the disadvantaged, at hindi gastos lang ang nararapat na suporta sa small business, education, research at technological advancement,” dagdag pa ni Manuel.

Ang RBH 7 ay aprubado ng kamara matapos ang anim na araw ng deliberasyon.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.