‘Egay’ lumabas na sa PAR, namataang LPA naging bagyo na

0
150

Inireport ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si Typhoon Egay (internasyonal na pangalan: Doksuri) nitong Huwebes ng umaga.

Sa kanilang bulletin na inilabas bandang 5 ng hapon, sinabi ng PAGASA na ang huling namataan si Egay 280 kilometro kanluran ng Itbayat, Batanes, at labas na ng sakop ng monitoring area ng bansa.

Inaasahan na ito ay tatawid sa Taiwan Strait at magla-landfall sa Fujian, China, Biyernes ng umaga.

Bagamat lumabas na ng PAR si Egay, nananatili pa rin ang Signal No. 1 sa Batanes, hilagang bahagi ng Apayao, Ilocos Norte, at hilagang-kanlurang bahagi ng Cagayan kasama ang Babuyan Islands.

Sinabi ng PAGASA ngayong araw ng Biyernes ay makararanas ng monsoon rains sa Batanes, Ilocos Region, Zambales, Bataan, Cavite, timog bahagi ng Quezon, Mimaropa, Bicol Region, at Western Visayas.

Samantala, inaasahan na magiging isang bagyo ang binabantayang tropical depression bago ito pumasok sa PAR sa Linggo, ayon sa PAGASA.

Ngunit ipinakita ng limang-araw na weather outlook ng PAGASA na maaaring hindi ito magkaroon ng direktang epekto sa landmass ng Pilipinas, ayon kay weather specialist na si Loriedin dela Cruz.

“Nananatiling mababa ang tsansa ng direktang maapektuhan ang ating landmass,” sabi niya.

Pagpasok nito sa PAR sa mga susunod na araw, tatawagin itong “Falcon.”

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo