Antipolo City, Rizal. Nasunog ang sampung bahay sa bayang ito matapos na tamaan ng kidlat ang isang kable ng kuryente sa Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal bandang alas tres ng hapon noong Miyerkules.
Ayon sa pahayag ni SFO2 Batrex Motoc, chief investigator ng Antipolo Fire Department, nagsimula ang apoy matapos tamaan ng kidlat ang isang electric cable at bumagsak sa nakatambak na tuyong basura. Nagliyab ang basura at mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan.
Ayon pa rin sa salaysay ni Motoc, malakas ng hangin kung kaya at hindi na naapula ang apoy na sumunog sa sampung bahay na gawa sa light materials.
Umaboy sa unang alarma ang naganap na sunog gayun pa man, walang naiulat na nasaktan sa insidente.
Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang matutuluyan ang mga pamilyang nawalan ng bahay.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.