Elepante sa komedor: Startup gumawa ng meatballs mula sa karne ng dambuhala 

0
420

Barbekyung karne ng dambuhala, inihain sa science museum

Isang kumpanya sa Australia ang nagbukas ng glass cloche noong Martes at ipinakita ang isang meatball na gawa sa lab-grown cultured meat gamit ang genetic sequence mula sa long-extinct na pachyderm, at sinabi na ito ay sinadya upang gatungan ang pampublikong debate tungkol sa hi-tech treat.

Ang paglulunsad na ginawa sa isang science museum sa Amsterdam ay naganap noong huling linggo ng Marso kaya may nakahain na elepante sa komedor: Totoo ba ito?

“This is not an April Fools joke,” ayon kay Tim Noakesmith, founder ng Australian startup na Vow. “This is a real innovation.”

Ang cultivated meat na tinatawag din na cultured o cell-based na karne ay ginawa mula sa mga selula ng hayop. Hindi kailangang patayin ang mga alagang hayop para makagawa ng karne, na sinasabi ng mga advocates na mas mabuti hindi lamang para sa mga hayop kundi pati na rin sa kapaligiran.

Ginamit ng Vow ang  publicly available genetic information mula sa mammoth, pinunan ang mga nawawalang bahagi ng genetic data mula sa pinakamalapit na buhay na kamag-anak nito, ang African elephant, at ipinasok ito sa isang sheep cell, ayon kay Noakesmith. Dahil sa tamang mga kondisyon sa isang lab, dumami ang mga cell hanggang sa magkaroon ng sapat na upang makagawa ng meatball.

Ang Vow ay isang Australian alternative protein company na may pinakamalaking pasilidad ng cultivated meat sa southern hemisphere, sa Alexandria sa Sydney.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.