Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Emmanuel Rufino Ledesma Jr. bilang bagong pangulo at chief executive officer (CEO) ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ang appointment ni Ledesma ay ibinalita ng Presidential Communications Office (PCO) ang pinakabagong pagtatalaga kay Ledesma sa isang Facebook post kahapon.
Magiging miyembro rin si Ledesma ng expert panel at board of directors ng PhilHealth.
Noong Nobyembre 2022, itinalaga si Ledesma bilang pansamantalang hepe ng PhilHealth.
Si Ledesma ay nagsilbi bilang pangulo at CEO ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM).
Ang PhilHealth ay may mandato na pamahalaan na ipatupad ang National Health Insurance Program na may layuning maglaan ng seguro sa kalusugan at tiyakin ang abot-kayang mga serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino.
Samantala, itinalaga naman si Col. Jose Luntok bilang commander ng Light Reaction Regiment, ang premier counter-terrorist unit ng Philippine Army.
Kasabay nito, itinalaga rin si Khay Ann Magundayao-Borlado bilang deputy executive director ng Philippine Commission on Women (PCW).
Ang PCW ang pangunahing ahensya sa pagbuo ng mga patakaran at koordinasyon kaugnay ng mga isyung pangkababaihan at gender equality concerns.
Iniupo din ni Marcos si David Erro bilang miyembro ng Board of Directors ng Land Bank of the Philippines bilang kinatawan agrarian reform beneficiaries..
Batay sa bagong listahan ng mga itinalagang pinuno ng pangulo, ang posisyon bilang Director III ay pupunuan nina Mathias Malenab (Department of Public Works and Highways), Bonifacio Pajuelas (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), at Reinalyne Varias (Office for Alternative Dispute Resolution ng Department of Justice).
Bukod dito, si Romeo Allan Rosales ang itinalaga ni Marcos bilang Customs Collector IV ng Bureau of Customs.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo