Empleyado mula sa QC nagbigti sa Quezon

0
437

PAGBILAO, Quezon — Natagpuan ang bangkay ng isang private employee mula sa Quezon City matapos itong magpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa bangin ng Quezon National Forest Park, Sitio Amao, Silagang Malicboy, Pagbilao, Quezon, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng Pagbilao Police ang biktima na si Erwin Bonito Salen, 46, may asawa, tubong Paracale, Camarines Norte, empleyado ng Unilab at residente ng Commonwealth, Quezon City.

Ayon sa ulat na nakarating kay Quezon Police Provincial Office Director PCol. Romulo Albacea, personal na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang kapatid ng biktima na si Gil Bonito Salen, 39, upang idokumento ang insidente. Inilahad nito na si Erwin ay nakararanas ng depresyon at nag-iwan ng suicide note sa kanyang tirahan.

Nakasaad sa sulat ang plano niyang pagpapatiwakal, pati na rin ang impormasyon tungkol sa kanyang pagkakakilanlan at lokasyong pupuntahan, na Zigzag Road sa Atimonan, Quezon.

Mabilis na inatasan ni Col. Albacea ang mga operatiba ng Pagbilao Police na magsagawa ng search operation. Natagpuan ang biktima na nakabitin sa isang puno gamit ang pisi, suot pa nito ang raincoat at helmet.

Walang indikasyon ng foul play ang pulisya at kumpleto ang mga personal na kagamitan ng biktima, ayon sa ulat.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.