Empleyado ng munisipyo sa Rosario, Batangas, patay sa riding in tandem

0
429

Rosario, Batangas. Patay ang isang emplyeado ng munisipyo sa bayang ito matapos siyang pagbabarilin ng dalawang kalalakihan na sakay sa motoriklo habang nakaupo sa nakaparada niyang motorsiklo.

Ayon sa ulat Rosario Municipal Police Station (MPS), kinilala ang biktima na si Mark Anthony Grit, 40-anyos, driver sa Municipal Disaster Risk Reduction Management (MDRRMO) ng nasabing bayan.

Ayon sa report ng pulisya, nakaupo ang biktima sa nakaparada niyang motorsiklo sa Barangay Poblacion E nitong kahapon, nang lapitan siya ng riding in tandem at pagbabarilin. Nagtamo ang ang biktima ng limang tama ng bala sa katawan at mukha.

Samantala, nakatakas naman ang mga salarin.

Hindi nagbigay ng pahayag ang mga kamag anak ni Grit.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Rosario MPS hinggil sa krimen. Mayroon na umano silang person of interest pero hindi muna nila ihahayag ang detalye nito.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.