Engineer, natagpuang patay sa loob ng sasakyan sa Batangas

0
292

Taal, Batangas. Natagpuan ang bangkay ng isang engineer na may tama ng bala sa ulo sa loob ng kanyang sasakyan sa Brgy. Gahol sa bayang ito bandang alas-5:30 ng umaga noong Sabado, Pebrero 18, 2023.

Kinilala ng Taal Municipal Police Station ang biktima na si Romwell Del Rosario y Cortez na residente ng Munlawin, San Nicolas, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon, nakita itong patay na sa loob ng kanyang Toyota Avanza sa boundary ng Brgy. Tulo at Brgy. Gahol sa naturang bayan.

Narekober sa crime scene ang isang basyo ng kalibre 45 na bala.

Inaalam pa ngayon ang pulisya ang motibo sa pagpatay.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.