Engineer Tsinap-chop, isinako ng katiwala: Suspek, arestado

0
306

BACOOR CITY, Cavite. Natagpuang putul-putol ang katawan ng isang engineer na pinatay tsinap-chop ng kanyang katiwala gamit ang samurai sa isang insidenteng naganap sa Brgy.  Habay 1, lungsod na ito.

Napag alaman na si Napoleon Fernandez, residente ng Brgy. Habay, Bacoor City at isang civil engineer na matagal ng nawawala, at kamakailan ay natagpuan ang kanyang putol putol na katawan sa isang masukal na lugar.

Ang suspek na si Romnick Missiona Bombeo, isang 30 anyos na construction worker at residente ng Brgy. Zapote, Las Piñas City ay stay-in caretaker ni Engr. Fernandez sa Brgy. Habay.

Sa ulat ng Bacoor City Police Station, isang kapatid ng biktima ang nagsumbong sa kanilang himpilan ukol sa pagkawala ng biktima simula pa noong Hulyo 7, 2023.

Matapos ang imbestigasyon, natunton ng mga awtoridad ang suspek na nasa bahay ng biktima sa Brgy. Zapote sa aktong aalis na at diumano ay magbabakasyon. Nakita sa kanyang bag ang nawawalang biktima ang halagang P4,926,100, mga alahas na tatlong gold bracelets, tatlong gold chains, isang gold ring at dalawang relo; dala­wang Samsung flip cell phones, mga wallet at iba’t ibang ID na pag-aari ng nawawalang bik­tima.

Nakuha din sa kanya ang samurai na ginamit nya sa pagpatay.

Nanlaban si Bombeo ng siya ay arestuhin ng mga pulis at kinagat pa ang isa sa kanila bago siya nahuli. 

Sa himpilan, umamin ang suspek sa pulisya na siya ang responsable sa pagpatay kay Fernandez gamit ang samurai at ayon sa kanya ay pinutol putol niya ang katawan ng biktima, isinilid sa sako at itinapon sa isang masukal na bakanteng lote.

Itinuro ng suspek ang lugar kung saan niya itinapon ang mga parte ng katawan ng biktima na natagpuan ng mga awtoridad sa isang bakanteng lote sa Barangay Habay 1, Bacoor City.

Ayon sa salaysay ng suspek, hindi siya pinabale ng sweldo ng biktima at diumano ay pinagalitan siya nito kung kaya at nagdilim ang kanyang paningin at napatay niya ang kanyang amo. 

Lumalabas sa imbestigasyon ang suspek ay nalulong sa illegal na droga.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.