Entrepreneurial at consumer education, ibinahagi ng DTI Laguna

0
450

Pila, Laguna. Nagsagawa ng ‘How to start a business’ at consumer education seminar ang Department of Trade and Industry Laguna (DTI-Laguna) sa pamamagitan ng Negosyo Center Pila sa layuning patuloy na makapagbigay ng Entrepreneurship Development Program para sa mga nakatayo na itatayo pang micro-entrepreneurship. 

Nagkaroon din ng workshop sa Paghahanda ng Simplified Action Plan para sa Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) Beneficiaries mula sa LGU Pila noong Mayo 11, 2022 sa covered court ng Pila Central Elementary School.

Ang nabanggit na kaganapan ay dinaluhan ng limampu’t apat (54) na benepisyaryo na binubuo ng siyam (9) na biktima ng sunog, apatnapu’t apat (44) na MSME na apektado ng COVID-19 pandemic at isang (1) Youth Entrepreneur, technical staffs mula sa DTI Laguna kabilang an mga staff ng LGU Pila.

Sa pambungad na pananalita ni Arnel M. Magpily, DTI-Laguna Senior Trade and Industry Specialist nagbigay siya ng maikling paliwanag tungkol sa programang Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG). Sinundan ito ng inspirational message ni Ulysses R. Ochoa, LEDIPO designate ng LGU Pila na nagbahagi kung bakit kailangan ng mga kalahok ang Entrepreneurship Seminar at kung paano nila mapapalago ang kanilang hanapbuhay sa tulong na ibibigay sa kanila.

Sinundan ito ng na Pinangasiwaan ni Edelyn Aireen Muñoz, NC Business Counsellor na nakatalaga sa LGU Pila ang How to Start a Business Seminar.  Ang workshop sa Simplified Action Plan ay pinangasiwaan ni Liana Mara Bayunggan, PPG Focal staff at ang Consumer Education Seminar ay pinangasiwaan ni Julie Flor Canayon, kawani ng Consumer Protection Division.

May kabuuang labinlimang (15) Business Names (BN) at Barangay Micro Business Enterprises (BMBE) registration ang naisagawa sa parehong kaganapan. 

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.