Environmental Protection and Enforcement Bureau (EPEB) Bill, inaasahang ipapasa ng Kongreso

0
607

Illegal logging hotspots sa 20 barangay sa Real, Infanta at Nakar, mahigpit na binabantayan.

Infanta, Quezon.  Nagsagawa ng ocular inspection sa impounding area si Department of Environment and Natural Resources CALABARZON Regional Executive Director Nilo B. Tamoria sa DENR CENRO Real sa Brgy. Abiawin, Infanta, Quezon kamakailan.

Nakita dito ang 49 na chainsaw na kinumpiska sa mga nahuling illegal logger sa Quezon mula noong 2016 hanggang 2020, ayon sa report ng Information and Statistics ng DENR CALABARZON 2020.

Humigit kumulang na 400,000 ektarya o 69% ng kabuuan ng lupang kagubatan ng Region 4A ay nasa Quezon. Nakakapag operate ang timber poaching at illegal logging sa  lugar dahil sila ay nakakapagtago sa makapal na kagubatan dito, batay sa report ng 2020 Philippine Forestry Statistics of the Forest Management Bureau. 

Samantala, 20 barangay sa Real, Infanta at Gen. Nakar ang napag alamang mga hotspot ng illegal logging at timber poaching. Upang masugpo ito, nagsagawa ang DENR CALABARZON ng paralegal training sa mga Deputized and prospective Environment and Natural Resources Officers (DENROs) sa pamamagitan ng Enforcement Division nito.

Kaugnay nito, umaasa ang DENR CALABARZON na ipapasa ng Kongreso ang  Environmental Protection and Enforcement Bureau (EPEB) Bill upang epektibong maipagpatuloy ang pagpapatupad ng batas sa kalikasan at mahuli ang mga lalabag dito.

“Hindi po lingid sa ating kaalaman ang kinakaharap na hazard ng ating mga kasamang bantay gubat at DENROs kaya naman patuloy ang ibayong pagsulong sa pagpapatupad ng inihain nating bill ukol sa pagtataguyod ng Environmental Protection and Enforcement Bureau. Sa pamamagitan nito ay gagamit tayo ng angkop na sistema at teknolohiya para siguruhin ang kaligtasan ng ating kalikasan pati na rin ng ating enforcers,” ayon kay Tamoria.

Sa kasalukuyan ay may 65 na bantay gubat volunteers mula sa Haribon Foundation na nakatalaga sa Real, Infanta at Nakar. Balak ng DENR CALABARZON na ibilang sila sa mga miyembro ng DENRO kapag aprubado na ang EPEB Bill.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.