Envoy ng PH sa Saudi, pinauwi matapos mag-viral ang video ng misis na nangangampanya

0
611

Pinauwi ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Philippine Ambassador to Saudi Arabia Adnan Alonto matapos mag-viral sa social media na nangangampanya ang kanyang asawa.  

Nakita sa video na ang asawa ni Philippine Ambassador sa Saudi Arabia na si Adnan Alonto ay  nanghihikayat ng komunidad ng mga OFW sa Sausi sa isang online na pagpupulong na bumoto habang nakasuot ng pulang T-shirt na may inisyal ng isang kandidato sa pagkapangulo.

Sinabi ni DFA Deputy Assistant Secretary for Public and Cultural Diplomacy, Gonar Musor, nitong Sabado na iniimbestigahan ng ahensya ang insidente at inatasan si Alonto na bumalik sa Pilipinas para sa mga konsultasyon.

“The DFA regularly reminds personnel here and at Foreign Service Posts on the prohibition against engagement, whether directly or indirectly, in any electioneering or partisan political activity. It does not condone acts that go against the Omnibus Election Code, the Overseas Voting Act of 2013 and the Commission on Elections-Civil Service Commission Joint Circular No. 001, series of 2016 [that prohibits partisan activities],” ayon sa text message ni Musor sa mga reporter.

Sa video na nakakuha na ng 120,000 view sa Twitter, ang babaeng kinilalang asawa ni Alonto ay maririnig na nag-disclaimer na hindi niya hinihiling sa mga overseas Filipino worker na iboto ang kanyang kandidato ngunit hinihikayat lamang niya na bumoto ang mga ito.

Hindi ko po hinihiling na suportahan niyo ‘yung kandidato ko kasi nasa sa inyo po ‘yan. That is your right to choose the candidates that you would like to vote for pero kung tatanungin niyo po ako kung sino ang iboboto ko ay nandito po, nakasulat sa t-shirt ko. Ngayon kung gusto niyo akong samahan, nasa sa inyo ‘yun,” ayon sa babae habang nakaturo sa kanyang T-shirt na may inisyal ng isang kandidato.

“Please cast your vote. Do not waste this moment because this might just be, itong pagkakataon na ito’ (this opportunity), it might just be the turning point so that we will have another Ilocano president,” dagdag pa niya. 

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.