Sa unang pitong linggo ng administrasyon Vic Belen Amante (VBA) kung ang pagbabatayan ay ang diseminasyon ng mga naisagawang epektibong public service, mabuting kalooban at kultura ng mga San Pableños, magagandang tanawin at lugar na pwedeng pasyalan ay masasabing sa kauna-unahang pagkakataon ay naipaabot ito buong kapuluan ng Pilipinas.
Kapansin-pansin ang matiyagang pagsusumikap ng Unang Ginang ng Lungsod Gem Castillo Amante na mailapit sa local at national media na maitampok ang mga gawaing pampubliko na isinusulong ng kasalukuyang administrasyon. Kaalinsabay nito ang magaling na public relation (PR) upang higit mapakinang ang imahe ng siyudad.
Sa napakaikling panahon ay maraming nalathalang balita at artikulo, sa mga lokal at nasyonal na pahayagan at magazines, mga video at mga posts sa Social Media na ang pangunahing tampok ay ang ikakagaling ng San Pablo at mga mamamayan nito.Kasunod nito ay naitatanghal ang magagandang lugar pasyalan at ang iba pang mga masasayang dahilan upang bisitahin ng mga local at foreign tourists ang San Pablo.
Bilang pangulo ng isang grupo ng mga mamamahayag ay personal.kong hinahangaan ang dedikasyonnag ipinamamalas ni Mayora Gem. Harinawa’y magpatuloy ang nasimulang ito upang lalong magiwagayway sa buong Pilipinas ang bandila at kariktan ng San Pablo City.
Sandy Belarmino
Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV. Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.