Escalator ng SM Sta. Rosa bumigay, 30 sakay naglaglagan

0
236

Nalaglag at nagpatong patong ang 30 mallgoers matapos masira at bumigay ang isang escalator ng SM shopping mall sa Sta. Rosa, Laguna kahapon.

Dahil sa aksidente, nagkapasa at nasugatan ang ilang biktima, kabilang dito ang ilang mga magulang na may kasamang mga maliliit na anak.

Sa kuha ng CCTV ng isa mula sa mga stall owner sa mall, paakyat ang escalator sakay ang mga biktima ng biglang dumausdos pababa ang escalator.

Sa official statement ng mall sa kanilang Facebook page, kinumpirma nito ang insidente at nagsasagawa na sila ng imbestigasyon. Overloading ang nakikitang dahilan ng mechanical trouble ng escalator.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.