Eskwelahan sa Cavite, binulabog ng bagong bomb threat

0
406

CAVITE CITY. Muling binulabog ng bomb threat ang isang pampublikong eskwelahan sa lungsod ng Dasmariñas kamakalawa ng tanghali sa Brgy. Pali­paran 3, Dasmariñas City, Cavite.

Dakong alas-12 ng tanghali nang makatanggap ng tawag ang pamunuan ng Dasmariñas Police Station mula sa guro na si Mark Anthony Diaz ng Paliparan 3 Ele­mentary School.

Sa salaysay ni Diaz sa pulisya, nang nasabing oras ay isang nagngangalang Ian Cubao ang nagpadala ng mensahe sa DepEd Tayo Paliparan III ES Facebook page na nagsasaad ng — “I have planted 3 different bombs in grade 1-6 building and on grade 5 building ill give you 1 day. Tommorow will be ur school last. Day good luck.”

Agad na tumawag at humingi ng tulong ang mga guro sa pulisya na nagmamadaling nagtungo sa nasabing eskwe­lahan kasama ang EOD (Explosive Ordnance Disposal) Cavite PPO at ininspeksyon ang bawat sulok at mga silid-aralan at lumabas na negatibo sa anumang uri ng bomba.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng follow up ang pulisya upang tukuyin ang suspek sa nasabing bomb threat.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.