Estudyanteng babae, sinaksak ng tinidor sa mukha ng kaklase

0
265

NOVELETA, Cavite. Sa gitna ng pag-uusap ukol sa reklamong cyber bullying, nangyari ang isang marahas na insidente kung saan isang lalaking kaklase ay sinaksak ang isang dalagang estudyante.

Nagaganap ang nasabing pangyayari sa loob ng isang kilalang fast food chain sa Brgy. Magdiwang, sa bayang ito, kahapon ng hapon habang nag-uusap ang kanilang mga magulang upang ayusin ang isyu.

Kasalukuyang nasa St. Martins Hospital ang biktima na si Chelsy Honeylade, 21-anyos, residente ng Brgy. Navarro, Gen. Trias City, Cavite.

Nasa kustodiya na at maghahain ng kaso laban sa suspek na kinilalang si John Roy Virata, 21-anyos, ng T. Gomez Street, Caridad, Cavite City.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.