Ex-cadres tumutol na ilibing si Sison sa Pinas

0
443

Tinutulan ng grupo ng mga dating kadre ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang umano’y “wish” ni Jose Ma. Sison na mailibing sa Pilipinas.

“We categorically declare our strongest opposition to the attempts and schemes of cohorts and minion of Joma Sison and the CPP-NPA-NDF to bring his ashes and/ remains back to our country,” ayon sa Sentrong Alyansa Ng Mga Mamamayan Para Sa Bayan (Sambayanan) na nasa pamumuno ng Secretary General nito na si Jeffrey “Ka Eric” Celiz.

Idinagdag niya na si Sison, na namatay noong Disyembre 16 sa Utrecht, The Netherlands, ay namuno sa pagkawasak ng mamamayang Pilipino at ng bansa sa loob ng mahigit 50 taon sa pamamagitan ng CPP-NPA-NDF.

Sumang ayon si Legal Cooperation Cluster Regional Task Force 6-End Local Communist Armed Conflict (RTF6-ELCAC) spokesperson Prosecutor Flosemer Chris Gonzales sa pahayag ni Celiz sa isang bukod na pahayag.

“Hindi bayani si Joma Sison. Si Joma Sison ay isang kilalang itinalagang lider ng terorista. Hinahayaan ba natin na maibalik sa ating bansa ang mga labi ng isang lider ng terorista? Ang sagot ay Hindi. Hayaang ilibing sa ibang lugar ang takas na si Joma Sison,” aniya.

Si Sison at ang kanyang asawa ay inaresto noong 1976 noong panahon ni Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. at pinalaya mula sa pagkakakulong noong 1986 pagkatapos maupo sa sa pwesto si Pangulong Corazon Aquino.

Noong 1987, nag-self-exile si Sison sa The Netherlands matapos matigil ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng kanilang grupo.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.