Ex-CBCP head Lagdameo, pumanaw sa edad na 81

0
235

Namatay kahapon ang dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at retiradong arsobispo na si Angel Lagdameo sa edad na 81.

“Nagbalik si Arsobispo Angel Lagdameo sa ating Lumikha nitong 8:30 a.m. sa edad na 81. Isama natin siya sa ating mga panalangin at Misa,” ayon sa Archdiocese of Jaro sa isang Facebook post.

Si Lagdameo ay naordinahan bilang pari para sa Diyosesis ng Lucena noong Disyembre 19, 1964. Siya ay hinirang bilang auxiliary bishop ng Cebu noong Hunyo 1980.

Noong Enero 1986, ang arsobispo ay itinalaga bilang co-adjutor bishop ng Dumaguete at pagkatapos ay naging obispo ng diyosesis noong Mayo 1989. Siya ay hinirang na arsobispo ng Jaro noong Marso 11, 2000.

Nagsilbi si Lagdameo bilang pinuno ng CBCP mula Disyembre 2005 hanggang Disyembre 2009. Siya rin ang bise presidente ng CBCP sa loob ng dalawang termino.

Tinanggap ni Pope Francis ang kanyang pagbibitiw sa edad na 77 noong 2018. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.