Ex-councilor na naasar sa maingay ng tambutso, wanted sa pagpatay sa tricycle driver

0
285

Tanauan City, Batangas. Tinutugis ngayon ng Calabarzon police unit ang isang dating konsehal ng Tanauan City na bumaril at nakapatay ng isang tricycle driver sa Brgy. 3, noong Sabado ng gabi sa lungsod na ito.

Kinilala Police Major Erwin Caimbon, deputy chief  ng Tanauan City Police Station ang suspek na si Samuel ‘Sammy’ Platon, dating konsehal ng Tanauan City at residente ng Brgy. Poblacion 3.

Ayon sa report, nangyari ang insidente noong Martes ng gabi habang ang biktima na si Francis Daclis at ang kanyang kapatid ay sakay ng motorsiklo sa nabanggit na barangay dakong alas-11:50 ng gabi.

Hinarang ang mga ito ng ilan nilang kabaranggay at sinita dahil sa maingay na tambutso ng motorsiklo ng magkapatid.

Nagtatalo ang mga residente at ang magkapatid nang dumating sa lugar ang suspek na sakay ng kanyang SUV.

Bumaba ang dating konsehal sa sasakyan at binaril nito sa ulo ang biktima na agad nitong ikinasawi.

Mabilis din  na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril. Nakatakda siyang humarap sa kasong murder.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.